Pagsabog sa tapat ng restoran | 2 BATA TODAS, 17 GRABE
- Jeff Tumbado
- Apr 4, 2019
- 1 min read

DALAWANG bata ang patay habang 17 ang sugatan makaraang masabugan ng hinihinalang itinanim na Improvised Explosive Device (IED) sa tapat ng isang restoran sa Isulan, Sultan Kudarat, kahapon.
Ayon sa ipinadalang report kay Army Col. Gerry Besana, tagapagsalita ng Western Mindanao Command (Wesmincom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nangyari ang pagsabog alas-3:00 ng hapon sa Bgy. Kalawag Dos.
Pinangunahan ng isang Army Lt. Fernandez, mula sa Mechanized Infantry Division ang pagresponde sa blast site at agarang kinordonan ang lugar.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Explosive Ordnance Division (EOD) ng pulisya at militar kasabay ang pagtatalaga ng checkpoints sa mga lugar na posibleng daanan ng mga nasa likod ng pagpapasabog.





Comments