P3.8 trillion budget pipirmahan na ni P-Duterte - Speaker Arroyo
- Jeff Tumbado
- Apr 4, 2019
- 1 min read

TIWALA si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na malalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3.8 trillion 2019 National Budget.
Sinabi ni Speaker Arroyo na nasabihan na sila tungkol sa petsa ng kanilang pagpunta sa Palasyo para sa paglalagda ng 2019 General Appropriations Bill.
“I think, it will be signed soon… Every year, the president does line-item vetoes. So they’re just working now I think on what will be the line item vetoes. But there’s already a date for us to go to Malacañang,” ayon kay Arroyo.
Sa ngayon, patuloy na umiiral ang reenacted budget hanggang sa tuluyang mapirmahan ng pangulo ang pambansang pondo para sa kasalukuyang taon.
Tumanggi naman si Arroyo na ilahad kung anu-anong mga bahagi ng National Budget ang posibleng ma-veto o maipawalambisa ng presidente.
Nauna nang nilagdaan ni Senate President Vicente Sotto III ang 2019 National Budget noong Marso 26 pero, hiniling nito sa pangulo na i-veto ang P75 billion halaga ng local infrastructure programs na umano’y iligal na realignment ng Kamara matapos maratipikan ang badyet noong Pebrero 8.





Comments