top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOTSHOTS, NASA 6TH PLACE NG Q’FINALS BATANG PIER, LUSOT SA

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2019
1 min read

INUPUAN ng Magnolia Hotshots ang pang-anim na puwesto sa quarterfinals matapos kalusin ang NLEX Road Warriors, 102-74 kagabi sa pagtatapos ng elimination round ng 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Naging instrumento sa panalo ng Hotshots si guard Paul Lee na nagtala ng 26 points at limang rebounds, nilista nila ang 6-5 karta.

Dahil sa panalo nakaiwas ang Hotshots na malaglag sa seventh o eighth place.

Kailangang manalo ng Nos. 7 at 8 ng dalawa sa Nos. 2 at 1 ayon sa pagkakasunod para sumampa sa susunod na phase.

Magkakaldagan naman sa best-of-three ang No. 3 laban sa No. 6 at No. 4 kontra No. 5.

Kumana rin sina Aldrech Ramos at Mark Barroca ng tig-15 at 14 puntos ayon sa pagkakasunod para sa Magnolia.

Tumikada si Pedrito Galanza ng 10 markers at tatlong rebounds para sa Road Warriors na nalasap ang pang pitong talo sa 11 laro.

Samantala, maagang nagparamdam ng lakas ang Pambansang Manok Magnolia matapos hawakan ang 16-point lead, 46-30 sa halftime.

Lalong nag-init ang opensa ng Hotshots sa third period, hinarurot ang 31-24 bentahe upang ilayo ang iskor sa 77-54 papasok ng fourth.

Inalagaan na lang ng Magnolia ang kanilang lamang sa payoff period upang makuha ang importanteng panalo.

Samantala, tangan ng Phoenix Fuel Masters ang top seed matapos ilista ang 9-2 karta, makakalaban nila sa quarters ang No. 8 team na malalaman pa lang pagkatapos ng 11-game eliminations.

Samantala, sa ikalawang laro, nagwagi ang NorthPort Batang Pier sa Ginebra Kings sa bisa ng 100-97 iskor. Bumida sa laro si Robert Bolick na may 24 puntos. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page