top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

HOROSCOPE | ABRIL 4, 2019 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 4, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 4, 2019 (Huwebes): Gami­tin mo ang iyong mga suwerte para sa sarili mo. Ito ay dahil nakiki­tang iba ang nakikina­bang sa mga suwerteng regalo sa iyo ng iyong ka­palaran.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iwasan mong magalit sa mga hindi nakaiintindi sa iyo. Da­pat mong matanggap na mas mataas ka kaysa sa kanila, kaya hindi ka nila kayang maabot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-brown. Tips sa lotto-8-11-16-28-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mapag­hanap. Ito ang sikreto para magsi­lapit sa iyo ang mala­la­king suwerte. Muli, hu­wag kang mapagha­nap. Ito ang mensahe ng ka­palaran mo sa araw na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-19-20-25-37-42.

GEMINI (May 21- June 20) - Magda­han-dahan ka. Ang lan­das ng buhay na iyong tinatahak ay mara­ming patibong kung saan puwe­de kang madaya ng mga nagkukunwaring sa iyo ay may simpatiya. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-6-17-23-25-30-45.

CANCER (June 21- July 22) - Hayaan mo lang ang mga panay kotra sa mga plano mo dahil sila ang mabibigo at hindi ikaw. Ang isa pang totoo, ayaw nilang magtagum­pay ka dahil maiinggit lang sila. Masuwerteng kulay-yel­low. Tips sa lotto-6-18-20-24-27-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ma­gaganap ang hindi mo gus­to, pero sa huli ay matutuklasan mo na ang lahat ay para sa kapa­kinabangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-23-39-40-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabilisang pag­babago ang bigla mong ipa­tutupad. Ito ay makabu­buti para sa iyo. Noon pa man ay alipin ka na ng pag-aalinlangan sa sarili mong kakayahan.Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-14-15-20-38-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Huwag kang masindak sa taong kung ma­kaporma ay angat na a­ngat. Ang totoo, hanggang porma lang sila, gayun­din, may mahina silang perso­na­lidad. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-29-30-33-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagka­lat ngayon ang mga taong ne­gatibo, palaangal at rekla­mador.Baka mahawa ka, kaya kaagad mo silang la­yuan dahil sila ang mga ta­ong bigo sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-12-16-23-36-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sapat ang kakayahan mo para mak­u­ha mo ang iyong ambis­yon. Pero, hindi masama kung tatanggapin mo ang tu­long ng malalapit sa puso mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-13-15-28-33-34-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aanhin mo ang tu­long kung isusum­bat naman sa iyo. Minsan, maganda pa ang mag-isang nagsisikap. Magti­wala ka sa sarili mong ka­kayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-11-25-29-31-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka puwedeng mag­tagal sa mala­yong lugar. Dapat mong maunawaan na ang pama­masyal ay panandaliang kasiyahan lamang. Masu­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-26-34-41-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi pa hu­mihinto ang mga suwerte mo. Akala mo ay biglang nawala ang mga ito, pero ang totoo, kumukuha lang ito nang malakas na bu­welo. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-9-10-13-29-30-32.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page