Gamit ang gunting MISTER KINATAY NG KATOMA

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang 41-anyos na mister matapos saksakin ng kanyang kainuman sa C. M. Recto Ave., Bgy. 6, Lucena City, Quezon.
Base sa report, alas-12:30 ng hatinggabi, kapwa lango sa alak ang biktimang si Perfecto Millares, ng Bgy. 4 at suspek na si Leandro Planas alyas Buboy nang magkaroon sila ng pagtatalo.
Agad kumuha ng gunting ang suspek saka makailang ulit na pinagsasaksak ang biktima bago tumakas.
Mabilis siyang dinala sa pagamutan subalit, binawian din ito ng buhay habang nasakote naman ang suspek.





Comments