Bigtime pusher huli sa mall

NAPASAKAMAY ng PDEA Cavite at Dasmariñas Police ang tinaguriang bigtime tulak ng nasabing lalawigan sa buy-bust operation sa isang parking lot ng kilalang mall sa Cavite, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Police Supt. Nerwin Ricohermoso, ang nadakip na si Arnold Pangan, 43, residente ng Bgy. Datu Esmael, Dasmariñas City, Cavite.
Alas-6:30 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa parking area ng mall kung saan isang PDEA member ang nakipag-deal sa suspek.
Hindi na ito nakapalag nang paligiran ng mga awtoridad at nagpositibo ang drug-bust.
Nakuha sa suspek ang mahigit 200 gramo ng shabu na aabot sa halagang P1,360,000 at buy-bust money.
Nabatid na may ilang araw ding isinailalim sa surveillance ang suspek bago na i-deal sa nasabing drug-bust.





Comments