top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bebot inabuso ng basurero

Maeng Santos
Apr 4, 2019
1 min read

KULONG ang isang basurero matapos irek­lamo ng pangmomoles­tiya sa babae na napa­daan sa kanyang harapan sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Albert Agodo, 40, ng Bgy. Veinte Reales, na nahaharap sa kasong acts of lasciviousness.

Sa ulat ng Valen­zue­la City Police Women's and Children’s Protection Desk (WDPC), alas-7:49 ng umaga, nagsusunog umano ng kawad ng kuryente upang maging tanso si Agodo nang mapansin nito ang pagdaan ng biktimang si “Madona”, 25, office staff, sa kanyang harapan.

Sinapian umano ng makamundong pagna­nasa ang suspek nang maamoy ang dalaga kaya bigla na lamang nitong hinawakan ang maselang bahagi ng biktima.

Nagawang maitulak ng biktima ang suspek at nagtatakbo hanggang sa makahingi ng tulong sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkaka­dakip sa suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page