top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Babala ng PAGASA MAINIT NA PANAHON, TITINDI PA

V. Reyes
Apr 4, 2019
1 min read

IBINABALA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na titindi pa ng hanggang 38°C ang temperatura sa kasalukuyang buwan.

Sa harap na rin ito ng inaasahang paglakas ng El Niño phenomenon na nararanasan sa bansa.

Dahil dito, pinapayuhan ni Analiza Solis, hepe ng Climate Impact Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, ang publiko na magkaroon ng sariling paghahanda.

Tinukoy nito ang pag-iwas na magbilad sa araw sa pagitan ng alas-10:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon kung kailan karaniwang naitatala ang mataas na temperatura.

Maging handa rin aniya sa tinatawag na init factor o ang alinsangan na nararamdaman ng tao na posibleng magdala ng maraming sakit.

Posible aniya na umabot ng 33°C ang inaasahang init ngayong linggo.

Noong nakaraang buwan, umabot ng 36.2°C ang pinakama­init na temperatura.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page