top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Suplay ng kuryente, manipis pa rin

V. Reyes
Apr 3, 2019
1 min read

MULA nang pumasok ang Abril, araw-araw nang makararanas ng pagnipis ng suplay ng kuryente sa Luzon.

Ito’y makaraang muling itinaas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang Yellow Alert sa Luzon Grid simula noong Lunes.

Dalawang beses sa isang araw nakataas ang Yellow Alert kaugnay sa hindi planadong shutdown ng ilang power plants.

Kahapon ng alas-10:00 hanggang alas-11:00 ng umaga ay nakataas ang Yellow Alert at muling itinaas ng ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon.

Ayon kay Department of Energy Assistant Secretary Redentor Delola, aabot sa 1,226 megawatts na kuryente ang kinapos nang magkaroon ng hindi inaasahang shutdown ang mga power plant ng Masinloc 2 (344 MW), Pagbilao 1 (382 MW), SLTEC 1 (150 MW) at Malaya 2 (350 MW).

Itinataas ang Yellow Alert kung mababa ang reserbang kuryente at masyadong mataas ang demand kumpara sa suplay nito. Aabot sa 10,985 MW ang capacity ng Luzon grid pero pumapalo sa 9,980 MW ang peak demand o pangangailangang suplay ng mga konsiyumer.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page