Super-hapi na si Kathryn pa ang partner, Maine… ALDEN, UMAMING DREAM MAKAGAWA NG MOVIE SA DOS
- BULGAR

- Apr 3, 2019
- 2 min read
Nitz Miralles / BIDA

TODAY (April 3) ang alis nina Alden Richards papuntang GenSan. Doon kukunan ang episode ng Lenten Special na tatampukan nila nina Pia Guanio, Wally Bayola, Ryan Agoncillo, Baste at Joey de Leon.
Hanggang Apr. 5 sila sa GenSan para sa taping ng episode na noong kausap namin si Alden, hindi pa nito alam ang title at kung sino ang director. Hindi rin alam ni Alden kung anong araw ipapalabas ang Lenten Special nila.
After a few days, pagkagaling sa GenSan, aalis si Alden para sa shooting ng movie nila ni Kathryn Bernardo. Tuluy-tuloy ang shooting at wala raw silang Holy Week break.
Pati ang balak nila ng kanyang pamilya na mag-Holy Week sa Pearl Farm sa Davao, kinansela muna.
“Ayaw na rin nilang tumuloy sa Pearl Farm nang hindi ako kasama dahil kulang sila. Sa bahay na lang sila sa Holy Week. Masaya ang lola ko na nasa bahay lang sila,” sabi ni Alden.
Ang bale observance ni Alden ng Holy Week ay nang pumunta sila sa Holy Land.
“Iba ang feeling ‘pag nandoon ka. ‘Yung malakaran mo ang nilakaran ni Jesus, ‘yung mahalikan mo kung saan ipinanganak si Jesus, sabi ko nga, kaya ko siyang gawing mag-isa. Babalik ako roon,” pangako ni Alden.
Sa ngayon, back to work si Alden at hanggang July ang busy schedule niya. Paghinga na lang daw ang pahinga niya, pero wala siyang reklamo dahil mahal niya ang kanyang trabaho.
Hanggang May sa Hong Kong si Alden. Babalik lang siya sa opening ng franchise branch niya ng fast food chain at babalik din sa HK.
Pagbalik mula sa HK sa May, magri-rehearse agad siya para sa Studio 7 show nila sa Brooklyn, New York. Sa May 9, lilipad na sila for New York para sa May 11 show.
Excited na si Alden to be working with Kathryn, Joross Gamboa, Maymay Entrata at ang ibang cast at makatrabaho si Direk Cathy Garcia-Molina at ang buong team ng Star Cinema.
Samantala, nilinaw ni Alden ang nasulat na sinabi raw niya na makaka-experience siya ng special Star Cinema treatment dahil araw-araw naman daw ay nararamdaman niya ang special treatment ng GMA Network at GMA Artist Center.
Sana raw, wala na lang intriga. Basta masaya siya na matutupad ang dream niyang makagawa ng movie sa Star Cinema na si Direk Cathy ang director. Big bonus pa sa kanya na si Kathryn ang makakatambal niya.





Comments