top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Seaman, tumalon mula 15th flr. ng condo, lasog

V. Reyes
Apr 3, 2019
1 min read

NAGKALASUG-LASOG at basag ang bungo ng seaman na pinaniniwalaang nagpatiwakal at tumalon mula ika-15 palapag ng condominium sa Quezon City.

Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang nasawi na si Alex Daruca Alota, 53, tubong Cebu at Eastwood Parkview Tower-1, Bgy. Bagumbayan.

Sa salaysay ng mga saksing tenant sa condo na sina Jeannete at Alain, naglalakad sila sa playground alas-7:45 ng Lunes ng gabi nang makarinig ng kalabog.

Nang kanilang usisain, bumungad ang lasug-lasog na katawan ng biktima kaya agad silang humingi ng saklolo sa mga guwardiya ng nasabing tower na siya namang nagsumbong sa pulisya.

Tumanggi ang kapatid na babae ni Alota na paimbestigahan pa ang naturang insidente.

Kumbinsido ang mga kaanak ni Alota na nagpatiwakal ito dahil sa iniwang suicide note.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page