top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sakto ngayong panahon ng pag-a-apply, mga besh... tips para ma-refresh ang career, alamin!

Jersey Sanchez
Apr 3, 2019
2 min read

NGAYONG graduation time, siguradong marami ta­yong be­shy diyan na nagsisi­mula nang umisip ng paraan para gumanda ang kanilang career at mayroon ding mga emple­ya­do na gusto pang pagbutihin ang propesyon na mayroon sila.

Kaya para sa mga fresh graduate at mga gustong mag-refresh ang ka­nilang career, narito ang 7 tips para sa inyo:

1. IMPROVE YOUR SKILLS. Bagama’t, mayroon ka ng skill, hindi inirerekomenda ng mga eksperto na makuntento ka sa mga bagay na kaya mo ng gawin. Dahil dito, inirerekomen­da ng mga eksperto ang pag-attend sa mga workshop, seminar at short course nang sa gayun ay mapalawak mo pa ito kung saan mas marami ka pang matu­tutunan.

2. PRACTICE PATIENCE. ‘Ika nga nila, patience is a virtue kung saan ma­gagamit ito sa lahat ng pagkakataon, par­tikular sa pagpapabuti ng iyong career. Kaya mga besh, kung maiksi lang ang pa­sensiya mo it’s time para sanayin mo ang iyong sarili na magkaroon ng ma­habang pasen­siya. Okie?

3. ADAPT TO CHANGES. Marami ang naniniwala na ang pagbabago ay patuloy na nangyayari, kaya besh, hu­wag mong alisin sa iyong expectations ang pagbabago na posibleng mangyari sa iyong workplace. Gayunman, ang dapat mong gawin ay matutong mag-adjust, dahil kung hindi, paano na? Hmmm…

4. EXPOSE YOURSELF TO NEW SKILLS. ‘Ika nga nila, hindi dapat nananatili ang indibidwal sa kanyang ‘comfort zone’ kung saan ang pag-aaral ng mga bagay na iba sa nakasanayan mo ay nakatutulong upang madiskubre mo ang mga bagay na kaya mo pang gawin. Halimbawa, kung marunong kang gumuhit, walang mawawala kung susubukan mo ring magpinta.

5. KEEP A BALANCE BETWEEN LIFE AND WORK. Hindi dapat puro ba­hay-work-bahay lang, besh! Dapat, mayroon ka ring ‘life after work’ kung saan sa oras na ito, ka­sama mo ang iyong mga kaibigan o pamilya nang hindi iniisip ang respon­si­bilidad sa tra­baho. La­bas-labas din ‘pag may time.

6. DREAM BIG. For sure, narinig mo na ang mga katagang ‘libre lang mangarap’, totoo ‘yun dahil ang mga pangarap mo ang iyong magiging motibasyon sa araw-araw na pagsisikap. Tandaan, ang mga ideya sa isipan natin ay makapang­yarihan dahil ‘ika nga nila, what you think is what you become.

7. REWARD YOURSELF. Anong klaseng reward? Gadget, damit o sa­patos? Hmmm… hindi kailangang ma­ging bongga, besh! Ang simpleng pag­papamasahe, pahinga sa weekend o pag­kain ng paborito mo ay paraan ng pagre-reward sa sarili mo. Pero, kung ‘on-a-budget’ ka at stress reliever mo ang pag­sa-shopping, go na!

Oh, ayan, mga bro at sis, dehins na ninyo kailangang mag-worry kung pa­ano mapagaganda ang takbo ng inyong career dahil siguradong kering-keri nin­yong gawin ang mga ito. Anuman ang mangyari, make sure na go, go, go lang kayo sa pagtupad ng inyong mga pa­ngarap.

Have a happy and healthy career!

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page