top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga kabataan, bantayan ngayong bakasyon kontra droga!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 3, 2019
1 min read

BAKASYON mode na ang mga estudyante.

Kasabay nito, nagbigay-babala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na iwasang gumamit ng anumang uri ng party drugs.

Sa paglulunsad ng “Ligtas SUMVAC 2019” program, nais tiyakin ng mga awtoridad na maipatupad ang summer vacation security plan na layong mabantayan ang mga kilalang tourist destination kasabay ng kanilang anti-criminality operations ngayong tag-init.

Isa sa mga tututukan ang posibleng paggamit at pagbebenta ng party drugs sa mga beach resort.

Kaya utang na loob, huwag nang tangkain pang ipuslit ang mga kontrabando sa beach resorts.

Lalo na ang mga kabataan na pinagsasamantalahan ng mga tulak.

Ayon sa PNP, nasa 77,536 pulis ang ipakakalat sa buong bansa para sa naturang programa.

Magtatalaga rin ng mga pulis sa Boracay Island, Mactan sa Cebu, Bohol, Palawan at Siargao.

Gawin nating masaya ang bakasyon nang hindi napapahamak.

Bantayan natin ang isa’t isa at huwag hayaang mabiktima ng iligal na droga.

Payo rin sa mga magulang, antabayanan ang ating mga anak. Alamin kung saan at sino ang mga kasama nito ngayong bakasyon.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page