top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mga iligal na tindero sa Estero de Binondo, bumalik matapos ang paglilinis dito!

  • Ryan B. Sison
  • Apr 3, 2019
  • 2 min read

KAMAKAILAN lamang ay nilinis ang Estero de Binondo bilang bahagi ng clean up drive at cleaning operation kung saan inabot ito ng kalahating araw sa tulong ng iba’t ibang ahen­siya.

Kaya lang, matapos ang paglilinis nito ay nagsibalikan din umano ang mga illegal ven­dor para ipagpatuloy ang kanilang pagtitinda.

‘Yung tipong kalilinis lang ng estero, pero ang mga tindero, agad nang bumalik para mag­benta rito na pinaniniwalaang isa sa mga da­hilan kaya lalong dumarami ang basurang itina­tapon ng mga tao.

Gayunman, ang buwelta ng mga nagtitinda, may binabayaran umano sila sa munisipyo kaya sila nakapagtitinda rito ngunit, ang sagot ng munisipyo, matagal nang isyu ang ganu’ng kala­karan at kung totoo man ito ay kanila namang iimbestigahan.

Alam nating lahat na posible ang mga gani­tong pamamaraan kung saan kinukurakot ng ilan ang perang ibinabayad nila dahil alam nilang madaling kakagat ang mga ito, lalo na at ito ang kanilang kabuhayan na pinagkuku­nan ng ipinantutustos sa kanilang pamilya.

Pero, sa totoo lang, ang pagiging malinis o pagtatapon sa tama ay hindi maibabase sa mga nagtitinda sa nasabing lugar dahil kung walang disiplina ang indibidwal kahit saan pa siya bumili ng partikular na bagay kung itatapon niya ito sa estero, siya na mismo ang may pag­kukulang at kasalanan.

Samantala, ang panawagan natin sa lahat kung hindi tayo makatutulong sa paglilinis dito, mainam kung huwag na tayong magtapon kung saan-saan, hindi naman siguro mahirap mag­hanap ng basurahan, maliit o malaki, mas ma­inam kung dito ilalagay nang sa gayun ay hindi bumalik sa atin sa oras ng kalamidad.

Matuto tayong alagaan ang ating kapali­giran dahil ito ay atin din namang napakikina­bangan!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page