Kaso ng HIV, lumala

IKINABABAHALA na ng ilang kongresista ang dumaraming kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) na kahit mga menor-de-edad ay nagiging biktima.
Tinukoy ng mga mambabatas ang pinakahuling tala na nasa mahigit 1,200 bagong kaso ng HIV noong Enero.
Sa nasabing bilang ng mga biktima, 53 ang kabataan kasama ang mga menor-de-edad na nasa 15 hanggang 17 taon.
Karamihan umano sa mga kabataang nagkaroon ng HIV ay dahil sa tinatawag na male-to-male contact o ang pagtatalik ng parehong lalaki.
Kaugnay nito, itinutulak sa Kamara na kumilos ang Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) upang bumuo at magpatupad ng mga programa na magpapaunawa sa mga millennial tungkol sa panganib ng walang pag-iingat na sexual behavior at ang banta ng HIV at AIDS.
Umapela rin ang mga kongresista sa Simbahan, civil society organizations at mga magulang na gawin ang kanilang papel para maituro sa kabataan ang pagiging responsable at kung paano maiiwasan ang HIV-AIDS.





Comments