HOROSCOPE | ABRIL 3, 2019 (Miyerkules)


SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 3, 2019 (Miyerkules): Makukuha mo ang iyong mga ambisyon sa buhay. Aalalayan ka ng iyong kapalaran. Ito mismo ang mensahe sa araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang hawak mo na ang iyong gusto, ito ay sa larangan ng pagpaparami ng kita sa negosyo. Pero, puwede ring sa ibang bagay kahit walang kinalaman sa pagnenegosyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-18-20-23-29-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Samantalahin mo ang magandang araw ngayon kung kailan papaboran ka ng nakatataas at ng mga taong mas angat kaysa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-13-15-25-38-40.
GEMINI (May 21- June 20) - Puwede mong palitan ang iyong naunang hangarin. Ituon mo sa mas malalaking proyekto at hindi dapat mapunta sa maliliit kung saan hindi ka gaanong mahihirapan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-26-35-38-41.
CANCER (June 21- July 22) - Huwag kang maaakit sa mabilisang pakinabang na sobrang laki ang pangako sa iyo. Huwag ka ring magtiwala kapag sa una ay nakakuha ka ng malaking halaga. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-18-23-25-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang makuntento sa nasa sa iyo na. Mas tama na ang tao ay hindi dapat tumigil sa paghahanda para sa kinabukasan ng kanyang mga mahal sa buhay at para mismo sa sarili niya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-24-28-43-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Maghanap ka ng dagdag na pagkakakitaan. Ito ngayon ang pinakaepektibong paraan para gumanda ang buhay mo. Hindi ka dapat tumulad sa mga umaasa lang sa kanilang partikular na kinikita. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-17-20-29-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag nahihirapan ka na, umayaw ka na. Hindi ka isinilang para pahirapan. Hindi rin para maalipin ninuman. Kalayaan ang magbibigay sa iyo ng kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-22-28-33-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ngayon ang panahon ng pagdidiyeta. Ngayon ay panahon para matikman ang masasarap na pagkain habang nagsasaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-10-13-21-29-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ingatan mo ang iyong kalusugan. Ang sobrang pagpapapawis ay hindi maganda dahil maraming sustansiya ang nawawala. Ang kailangan mo ay ang panandaliang pahinga. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-19-20-33-35-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malito ng dahil lang sa marami ang nagpapakita sa iyo ng pagtingin. Ang iba hanggang sa pagpaparamdam lang. Ang piliin mo ay ang may tiyaga at marunong maghintay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-28-31-34-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi sinasadyang matamis na ngiti ang kakawala sa iyong mga labi. Ang taong madalas mong pinapansin ay magagayuma mo kaya lang ang nakatutuwa, ikaw at siya ay malilito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-19-21-25-27-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagdaratingan ang mga suwerte mo. Pero, ang ibang hinihintay mo ay hindi pa darating dahil ang darating na sinasabi ay ang hindi mo inaasahan, pero sobrang saya kapag napasaiyo na. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-13-29-32-38.




Comments