Arellano student tiklo sa droga

ARESTADO ang 16-anyos na Grade 10 student ng Arellano University nang mamataan na may hawak ng isang sachet ng marijuana sa loob ng unibersidad, kamakalawa ng umaga sa Legarda St., Sampaloc, Manila.
Dinala sa Manila Police District-Station 4, ang suspek na taga-Sampaloc, Manila.
Batay sa ulat ni PCpl. Sherwin Maguiliano, ng Lacson Police Community Precinct (PCP), alas-10:15 ng umaga nang makita ni Lito Sancho, roving guard sa naturang unibersidad ang suspek na may hawak na marijuana na may fruiting tops.
Agad umanong sinita ang binatilyo at nang makumpirma na marijuana ang hawak, agad na dinala sa security office at kalaunan ay dinala sa himpilan ng pulisya.
Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Manila City Prosecutor’s Office.





Comments