top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Alamin mula kay Maestro... PAG-UUGALI NG MGA IPINANGANAK SA YEAR OF THE GOAT NGAYONG TAON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 3, 2019
  • 2 min read

SA pakikisalamuha sa kapwa, sinasabing ang Kambing o Tupa ay ma­tagal at bihirang maga­lit dahil tulad ng nasabi na, likas sa kanya ang pagi­ging kalmado at ma­ba­it. Pero, kapag na­inis naman ang Tupa, tu­nay ngang manunu­wag ito, napakasamang ma­ga­lit, kaya naman kung may asawa, girl­friend o boy­friend kang Tupa, mas makabubu­ting huwag na huwag mo siyang gagali­tin kung ayaw mong mag­halo ang balat sa tinalu­pan. Kaya tulad ng nasabi na, ang Kambing o Tupa ay ta­laga namang bihi­rang-bihirang magalit, suba­lit, sadyang napaka­sa­ma ng maaaring mang­yari sa sandaling siya ay gina­lit mo.

May pambihirang ka­pang­yarihan din ang Kam­bing o Tupa sa panahong ginamit niya ang power o lakas ng paglalambing at kapangyarihan ng kakaibang kabaitan kung saan kapag siya ay may hiningi sa tao na nilambing niya o pi­naki­taan niya ng ma­buting ugali, si­gura­dong hin­ding-hindi siya ma­tatanggi­han.

Kaya naman kapag hu­miling ang Kam­bing o Tupa sa tadha­na, si­gu­radong siya ay pag­bi­big­yan ng la­ngit, gaanuman kaim­po­sible ang b­agay na kan­yang hihi­lingin.

Kaya kung ikaw ay isini­lang sa animal sign na Kam­bing o Tupa, humiling ka nga­yon sa la­ngit at sigura­dong ito ay magkakatotoo.

At sa sandaling ito ay nagkatotoo, masasabi mo sa iyong sarili sa panahong ‘yun, “ah, ito nga pala ang hiniling ko sa langit, baga­ma’t, medyo matagal bago matupad ay si­gurado namang magkakato­too at mangya­yari.”

Kung ikukumpara sa ani­mal sign na Baka, ang Baka ay kailangan pang magsipag at magsikap nang husto upang umunlad at umasen­so, pero, ang Kam­bing o Tupa ay iba, sinasa­bing kahit hindi siya mag­hirap, ang po­sibleng mang­yari ay magpa­pakahirap at magsisikap ang ibang tao o ang kanyang mga mahal sa buhay upang ang suwerte at pag-unlad na na­kamit ng mga taong malalapit sa kanya ay ibabalato at ibi­bigay din sa kanya sa ban­dang huli ng hindi niya ina­asahan.

Kumbaga, parang hari at reyna na kahit hindi magtra­baho o maghanapbuhay, ti­yak na ang Kambing o Tupa ay mabubuhay nang masa­gana, marangya at masaya dahil ang mangyayari, mag­tatrabaho ang ibang tao para sa kanya.

Dahil dito, kung minsan ay napagbibintangan tuloy ang Kambing o Tupa na ta­mad, palaging umaasa o may pagka-parasite.

Pero, hindi naman totoo ‘yun, sa halip, ga­nu’n lang talaga ang kapalarang ipi­nagkaloob sa kanya ng langit, ang hindi gaanong mahira­pan, pero pa­laging kampante at masaya dahil para sa Kambing o Tupa ang salitang “salamat sa Diyos dahil nakararaos na­man!” ay tugmang-tugma sa pagka­tao niya.

Kaya mapa­pansin mong bi­hira sa mga Kam­bing o Tupa ang labis na nag-a­alala, nagsi­sikap at nag­pu­pursige tala­ga dahil tulad ng nasabi na, isi­nilang ang Kam­bing o Tupa para mag­pa-easy-easy lang sa kani­lang buhay. Pero, hin­di sila ma­gugutom, ka­ilan­man.

At dahil isinilang na ma­sarap ang buhay at hindi ga­anong nagtatrabaho o nahi­hi­rapan, nagtataglay naman ang Kambing o Tupang bu­silak at mapagbigay na pag­katao kung saan siya ay ma­tulungin at maawain sa kan­yang kapwa na handang tu­mulong palagi ng walang ka­palit sa mga taong walang-wala at kapus-palad.

Dahil sa ugaling ito ng Tupa o Kambing, lihim na pi­nanonood ng nasa itaas ang kabutihang-loob niyang ito.

Kaya sa hindi rin niya na­mamalayang paraan at pang­ya­yari, tunay ngang hindi maghihirap kailanman ang Tupa, sa halip, palagi at lalo pang sinusuwerte sa kan­yang buhay dahil nga sa pag­kakaroon niya ng busilak na puso at mapagmahal na ka­looban.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page