top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

2 tulak utas sa pulis

Levi Gonzales
Apr 3, 2019
1 min read

DALAWA ang patay habang isa ang pinaghahanap ng pulisya matapos ang engkuwentro sa pagitan ng mga sinasabing tulak ng droga sa Lucena City, Quezon.

Alas-11:10 ng umaga ikinasa sa Bgy. Iba Dupay, ang nasabing operasyon kung saan nakipagtransaksiyon sa cellphone sa police asset ang suspek na si Fortunato Baes.

Agad nilang pinuntahan ang target at nadatnan nila ang nasawing suspek na si Joseph Afable, 55, mga residente sa naturang lugar na siyang inutusang magbigay ng shabu.

Nakahalata umano itong mga awtoridad ang kausap kaya agad nagpaputok at gumanti naman ang mga pulis dahilan ng pagkamatay nito habang isinunod nila ang Bgy. Dalahican kung saan nakabili rin sa suspek na si Rogelio Lim, 53, may asawa.

Matapos iabot ang shabu, agad siyang inaresto subalit, nagpumiglas umano ito hanggang sa makipagbarilan din sa pulisya na ikinasawi nito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page