Pinsala ng El Nino, umabot na sa mahigit P4 bilyon

AABOT na sa kabuuang P4.35 bilyon ang nasirang mga produktong pang-agrikultura dahil sa epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.
Ayon sa Department of Agriculture, katumbas ito ng mahigit 233,000 metriko-toneladang pananim o halos 150,000 ektarya ng napinsalang sakahan.
Aabot din sa halos 140,000 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan mula sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Sa bigas pa lamang, aabot na sa mahigit 125,000 metriko-tonelada ng produksiyon ang nasayang. Nasa mahigit 107,000 metriko-tonelada ng mais naman ang tinamaan ng tagtuyot.
Naglabas na rin ang DA ng mahigit P95 milyong tulong-pinansiyal para makabawi ang mga naapektuhang magsasaka at mangingisda.
May karagdagang pondo na rin ang inilabas para sa cloud seeding operations sa mga lugar na matinding tinamaan ng El Niño.
Nauna nang sinasabi ng PAGASA na titindi pa ang epekto ng El Niño sa mga susunod na buwan.





Comments