top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lalaki kinatay ng kapitbahay

Levi Gonzales
Apr 2, 2019
1 min read

DEAD-ON-ARRIVAL sa ospital ang isang lalaki matapos pagta­tagain ng kanyang kapitbahay sa Sitio Bakayan, Bgy. Luma­niag, Lian, Batangas.

Alas-4:50 ng hapon, sa hindi pa malamang kadahilanan, kinom­pronta umano ng sus­pek na si Gilbert Men­do­za, 38, ang biktimang si Rolando Gaton.

Dala ng kalasingan ng biktima, humantong sa pagtatalo ang dalawa hanggang sa umuwi at bumalik na armado ito ng itak.

Pinagtataga ang biktima na agad namang naisugod sa ospital ngunit, binawian din agad ito ng buhay.

Tumakas ang suspek sa bulubundukin lugar habang pinakilos agad ang kapulisan upang maaresto at papanagutin sa nagawa nitong krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page