Kalikasan ni: John Rey S. Reonico
- BULGAR

- Apr 2, 2019
- 1 min read

Kalikasan ay regalo
mula sa kalangitan,
pero, unti-unting
nawasak dahil sa ating
kalabisan.
Kaya perhuwisyong
dala ng sakuna’t kalamidad
nadaragdagan kada taon
na parang edad.
Ang dating dalisay na
ilog ngayon ay putik na,
nagtataasang gusali
‘yung mga dating gubat
at bukid pa,
buhay sa dagat
minitsahan ng dinamita,
mga bundok pinapatag
ngayon ‘di na makita.
Isangkatutak na
basurang maaaring
pagmulan,
ng malawakang
pagbaha kaagad dulot
ng kaunting pag-ulan,
sunud-sunod na
pagbagyo kahit saan
may polusyon,
matinding tagtuyot,
malakas na lindol wala
na bang paraan at
solusyon?
Hindi ba ninyo pansin
na dahil sa patuloy na
paninira at pananagasa,
hampas ng kalamidad
ay patuloy sa
pananalasa?
Baka dumating ‘yung
puntong huli na, wala na
tayong ibang malikasan
dahil naabuso at nasira
na nang tuluyan si Inang
Kalikasan.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments