HOROSCOPE | ABRIL 2, 2019 (Martes)
- BULGAR

- Apr 2, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 2, 2019 (Martes): Hinahangaan ka ng langit dahil sa iyong kabaitan, kaya ang langit din mismo ay mananatiling mabait sa iyo kung saan pagkakalooban ka Niya ng magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipadama mo ang iyong pagmamahal sa nagmamahal sa iyo dahil ang pagmamahal ay hindi dapat ipinagdaramot. Muli, ipadama mo ang iyong pagmamahal sa nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-23-28-30-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pahalagahan mo ang iyong sarili, kumbaga, unahin mo ang para sa iyo nang sa gayun ay hindi ka matulad sa pinahalagahan ang ibang tao at sa huli ay nagsisisi at nanghinayang lang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lott-11-18-21-25-34-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Huwag mong hadlangan ang iyong sarili na lumigaya. Huwag mo ring balewalain ang mga pagkakataong madama mo ang tunay na pagmamahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-15-17-22-27-35-41.
CANCER (June 21- July 22) - Pantay-pantay ang lahat sa ngalan ng pag-ibig, kaya huwag kang mapanghusga. Ito ang mensahe para sa iyo.
Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-10-18-29-36-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nasa tabi mo lang ang mga suwerte mo. May suwerte ka rin sa malayo, pero sa kasalukuyan tulad ng nasabi na nasa tabi mo lang ang mga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-12-15-26-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi ka makaiiwas na sumali sa pamamasyal sa magagandang lugar. Dapat palagi kang nakahanda lalo na sa larangan ng pinansiyal. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-9-14-21-27-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo dahil kahit saan ka magpunta ay may maaakit sa iyo. Kung gugustuhin mo, puwede mong pakinabangan ang magagayuma mo. Nasa sa iyo ang pasya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-23-30-33-35-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Madalas nasa katahimikan ang kalungkutan. Kaya bakit nanaisin mong ikaw ay tumahimik? Magsaya ka sa pamamagitan ng iyong mga kasama at kakuwentuhan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-13-15-29-35-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit sa pagsasaya, puwede kang kumita. Ang totoo nga, malaki ang magiging pakinabang mo kung paghahandaan mo ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-12-20-22-24-25.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pakawalan mo ang iyong sarili mula sa pagkakakulong sa lungkot. Hindi maganda sa tao ang nabubuhay sa kalungkutan, samantalang, puwede naman siyang mabuhay sa kaligayahan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-23-39-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang padadaya sa taong nagyayaya. Dapat siya ang gumastos at hindi ikaw. Pero, ang totoo, sa buhay mo madalas, ikaw ang nagyayaya, pero hindi ikaw ang gumagastos. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-15-20-27-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Madidiskubre mo ang pormula sa pagpapayaman habang nakikipagkuwentuhan ka sa nakaranas ng malugi. Ang bawat kuwento ng kanyang kabiguan, analisahin mong mabuti. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-24-26-32-38.




Comments