Eksklusib na polling precinct sa mga senior at PWD, ipatupad


NANAWAGAN si Senator Sonny Angara sa Commission on Elections na ipatupad ang batas na naglalayong bigyan ng sariling polling precincts ang mga nakatatanda at ang mga may kapansanan upang hindi mahirapang makisabay sa iba pang mga botante tuwing halalan.
Bagama’t, umiiral umano ang Republic Act 10366 na pinagtibay noon pang 2013, at ang regular na pagpapaalala ng Comelec sa mga polling precinct na maging paborable sa kalagayan ng mga nakatatanda at PWD, nakatatanggap pa rin ng reklamo mula sa publiko ukol dito.
Isa umano sa mga madalas ireklamo ang pag-akyat sa matataas na hagdan para makarating sa kanilang polling precincts.
Samantala, pinaboran naman ng Comelec si Ruth Mariano Hernandez laban sa mga nagpetisyon sa kanyang kandidatura bilang kongresista sa ikalawang distrito ng Laguna.
Ibinasura ng Comelec 1st Division ang magkahiwalay na petisyon nina Victor Resma Publico at Erlinda Garcia Macua.
Sa desisyong inilabas noong Marso 29, pinaboran ng Comelec si Hernandez sa pagsasabing wala siyang nilabag sa pagsusumite ng COC at kuwalipikado siyang kumandidato.
Nilagdaan ang nasabing desisyon nina Commissioners Al Parreno bilang presiding officer kasama sina Rowena Guanzon at Marlon Cosquejo. (BRT)





Comments