top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dugo-Dugo Gang hataw na naman, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2019
1 min read

AYON sa ulat, ang mga Tsekwa raw ang unang nagbuo ng Banaue Rice Terraces, 2 libong taon na ang nakararaan.

Pero, hindi kinumpirma sa ulat na lumayas sa Banaue ang mga Tsino nang hantingin at pugutan sila ng mga katutubo!

***

TATAAS ang presyo ng LPG.

Namputsa!

***

NAUUSO na naman ang modus ng Dugo-Dugo Gang.

Isang peste na hindi nalulutas!

***

Pare-pareho ang plataporma ng mga kandidato.

Lahat sila ay umaangkin ng kredito sa libreng matrikula sa kolehiyo.

He-he-he!

***

LAHAT ng kandidato ay nangangako na iaahon sa hirap ang mga nag­da­rahop.

Panahon pa ‘yan ni Emilio Aguinaldo!

***

Nababawasan ang tubig sa Angat Dam.

Siyempre, tag-araw, eh!

***

NAAYOS na ang krisis sa tubig.

Natakot sila sa People Power!

***

MARAMI ang naghihintay na i-expose na ang listahan ng mga “drug addict” sa showbiz.

Hindi na kailangan, kilala na sila ng kanilang fans!

***

BABALIK daw sa buwan ang mga Kano.

Huwag sana silang maunahan ng mga Tsino!

***

INAAPURA na ang mga expressway.

Nariyan kasi ang malaking kurakot!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page