top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BATANGAS AT ZAMBOANGA, SINO ANG PAPASOK SA MPBL FINAL?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 2, 2019
  • 2 min read

ISANG laro na lamang ang nalalabi, ito ay kung sino sa Batangas City at Zamboanga ang sasampa sa championship round ng southern division ng MPBL Datu Cup kaya asahan ang uusok na laban ng alas-7 ng gabi sa Batangas City Sports Arena.

Ang magwawagi ay magkakaroon ng karapatang harapin ang Davao Occidental Tigers sa championship round na giniba ang Bacoor Strikers sa semifinal round ng torneo. Para sa Athletics, ang magwagi sa sariling teritoryo ang maglalagay sa kanila sa mas mainam na posisyon para sa inaambisyong back-to-back titles. Asahan na rin ang pagdagsa ng kani-kanilang fans sa venue.

Kinailangan din ng Batangas na ‘ipagpatayan’ ang muling makapanalo sa home court pero biglaan sa last minute ay tangkain diumanong baguhin ang iskedyul ni operations head Zaldy Realubit. Mabuti na lamang ay nagawang magwagi ng Atletics sa teritoryo nila dahil namagitan si Commissioner Kenneth Duremdes ayon na rin sa pag-apruba ni Senador Manny Pacquiao.

Malaking bagay ang home fans sa game laban sa Zamboanga dahil unang napahirapan ang defending champion sa unang dalawang laro sa best-of-three series. “The home court advantage is sacred to us,” ayon kay team manager Gerry Tee. “It’s so important. At one time, our venue was not available due to a pageant contest, so we looked for an alternative home court here in Batangas to make sure that we will have the support of our local folks.”

Para sa Zamboanga, mukhang aayusin na nila sa susunod ang kanilang laro tungo sa kampeonato. Bagamat narating ng team ang semifinal games at talunin ang Muntinlupa, kailangan ng Zamboanga na doblehin pa ang produktibong laro ng top guns na sina Reed Juntilla at Robin Roño maging ang masipag na si Harold Arboleda. Kailangan pa rin nila ng consistent game mula kina Joseph Nalos, veteran Ryan Buenafe at big man Allan Santos maging sina Ivan Villanueva. (MC)

Laro ngayon (Batangas City Sports Arena)

7 p.m. — Batangas City vs Zamboanga

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page