top of page

Basta ‘wag lang sosobra sa petiks... PAGPAPALIBAN NG MGA GAWAIN, MAY MAGANDANG EPEKTO SA PAG-IISIP!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 2, 2019
  • 2 min read

MULA sa pagiging mag-aaral hang­gang sa pagiging empleyado, sino ba namang hindi nakaranas na mag-procrastinate? For sure, ‘yung iba riyan, eh, patuloy na ginagawa ito dahil sa paniniwalang mas nakapagpa-function ang kanilang utak sa tuwing nagmamadali sila, ngunit, may iba ring naniniwala na dehins ito magandang makasanayan dahil hindi sa lahat ng oras ay effective ito. Pero, knows ba ninyo na ang pagpo-procrastinate ay nakapagbu-boost ng pagiging malikhain? Wow!

Ayon kay Adam Grant, professor sa Wharton Business School, ikinagulat umano niya nang sabihin ng mga ‘most creative student’ niya na lumalabas ang kanilang orihinal na ideya kapag sila ay nagpo-procrastinate.

Dahil dito, isang eksperimento ang isinagawa ng kanyang team sa mga estudyante nang sa gayun ay ma­laman kung paano nabu-boost ng procrastination ang pagiging malikhain ng kanyang mga mag-aaral.

Sa eksperimento, hinati ng researchers ang mga kalahok sa dalawang grupo kung saan inatasan ang mga ito na mag-generate ng business ideas.

Ang unang grupo ay inatasang gawin ito agad habang ang ikalawang grupo ay hinayaang maglaro ng online games bago tuluyang simulan ang iniatas na gawain.

Lumabas sa resulta na naging malikhain ang dala­wang grupo ngunit, mas naging malikhain ng 28 porsi­yento ang mga ideya ng nasa ikalawang grupo.

Ayon kay Professor Grant, ang mga unang ideya ng indibidwal ay pangkaraniwan habang ang pagpo-procrastinate ay nag-uudyok sa isipan ng indibidwal na lalo pang mag-isip kung saan nagreresulta ito ng bago at mas magandang ideya.

Bagama’t, lumabas sa pag-aaral na nakapagbu-boost ng pagiging malikhain ang pagpo-procrastinate, maaari rin umano itong magpabagal sa creativity.

Sa iba pang pag-aaral, napag-alaman ng mga eksperto na ang labis na pagpo-procrastinate ay maaaring magdu­lot ng sobrang pagmamadali ng indibidwal kung saan gumagawa na lamang ito ng mga madaling ideya.

Wow, dehins natin alam na ang itinuturing ng iba na ‘bad habit’ ay may naidudulot na positibo sa indibid­wal. Hindi masamang gawin ito paminsan-minsan kung may mabuti itong epekto, pero tulad ng nabanggit ng mga eksperto, ang labis na paggawa nito ay may masamang naidudulot din. Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page