top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

67-anyos, padila-dila, manoy pinaglaruan habang may ka-chat… SEX VIDEO SC

Janice DS Navida
Apr 2, 2019
2 min read

JUSKOLORD!!!

Nananahimik ang mundo namin kahapon nang biglang may nag-send sa amin thru private message sa Facebook ng pinagpipiyestahan ngayong sex video scandal sa showbiz.

Akala namin, dahil April Fool’s Day kahapon, bluff lang ang naturang sex video scandal… pero hindi, hindi, hindi!!!

And guess who ang bida sa kalat na kalat na ngayong sex video scandal sa social media?

Inakupo!!! Walang iba kundi ang 67-year-old lang namang member ng dating APO Hiking Society at kilalang Duterte critic na si Mr. Jim Paredes!

Yes, ang respetado noong singer-composer na kung kelan nagkaedad ay saka nasira ang imahe, lalo na nang ma-involve siya sa gulo kung saan pinatulan niya ang ilang kabataang ralista.

At dahil sa pagkalat ng sex video scandal nga­yon ni Jim Paredes, lalo tuloy nawala ang respeto sa kanya hindi lang ng mga kaedaran niya, kundi pati ng mga millennial na dapat ay iniidolo siya dahil sa malaking kontribusyon ng APO Hiking Society sa mundo ng musika.

Halos iisa ang reaksiyong nabasa namin kahapon sa social media — bumabaligtad ang sikmura ng mga netizens sa sex video scandal ni Jim Paredes na palabas-labas pa ng dila ha­bang may ka-video chat, sa­bay pa­kita ng pag­­la­laro sa kan­yang private part sa ha­rap ng cam­era.

Ang naka­kaloka rito, 10 yrs. ago ay may naisulat pala si Jim sa kanyang blog na ganito ang naka­saad: “I just could not feel anything good about wa­tching colleagues in showbiz… being humiliated by voyeurism. Sure, there are millions who have probably seen them (sex videos), and what further damage could my watching the videos do, I asked myself. I couldn’t possibly make the situation worse by watching, I thought by way of justification…”

Kaya naman, ibinalik ito ngayon sa kanya ng mga netizens at tinawag siyang “ipokrito” bukod sa pagiging “manyak na lolo” raw niya.

Sabi pa ng ilang DDS (Digong Duterte supporters), kung makabanat daw siya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagi­ging bastos diumano ng presidente ay ganu’n-ganu’n na lang at nagmamalinis pa siya, tapos ngayon ay may lumabas na sex video scandal niya.

Pero sa isang tweet ni Jim kung saan sumagot siya sa komento ng isang Twitter user, sinabi niyang “fake” ang naturang sex video scandal.

Ang tanong lang ay kung paano niya mako-convince ang lahat na fake nga ‘yun gayung ang linaw-linaw ng pagkakakuha sa video at hindi lang basta photo na madaling i-Photoshop o i-edit, ha?!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page