3 C’SHIP BELT, NAKATAYA SA BAKBAKAN NG URCC RAW FURY

MATAPOS ang ilang buwan na pahinga, muli na namang eeksena ang mga bigating mixed martial arts practitioners tampok ang laban ni Mark Striegl kung saan ipagtatanggol niya ang koronang inagaw niya kay Do Gyeon Lee ng Korea at mapapasabak siya laban sa Japanese challenger na si Shunichi Shimizu sa Abril 27 sa Cove Manila sa Okada Hotel.
“I trained hard and prepared for this fight to keep my title and satisfy my countrymen who are watching me. I cannot afford to lose the fight in my native soil and I will use all my knowledge and experience to retain my belt,” sabi ng 30anyos na defending champion na anak ng isang Kano ng New York City at Pinay na taga-Baguio City.
Sinabi ni Striegl hindi niya alam at kabisado ang fighting style ng kanyang kalaban dahil ngayon lang niya lalabanan ang Japanese challenger sa featherweight category, “To be frank and honest with you, I really don’t know his fighting style. I’m prepared to fight him and go for a win because my ultimate goal is to keep my title,” wika ni Striegl hawak ang belt na napanalunan niya sa dating kampeon na Koreano.
Hawak ni Striegl ang 18 wins at two loses at determinado ang defending champion na isama sa listahan ang Hapon sa kanyang mga biktima.
Samantala sa iba pang laban ay maghaharap sina Chris Hoffman at Musa Conteh sa middleweight sa main event sa fighting extravaganza na may temang “Raw Fury” sa promosyon ni Wrestling Association of the Philippines president Alvin Aguilar, founder ng Universal Reality Combat Championship. “It’s going to be an exciting and interesting fights because all the protagonists are strong and crowd drawer,” sabi ni Aguilar sa press conference sa Okada Hotel.
Hindi dumating si Hoffman para sabihin niya ang kanyang tsansa sa kanyang laban kay Musa Conteh sa middleweight division. Tampok din ang laban nina John Adajar kontra Miguel Mosquera; Drex Zamboanga laban kay Korea’s Seung Hyun Cho; Ernesto Montilla versus Jared Almazan; Arvin Chan laban kay Patrick Dos Santos; at Jun Rogelio Enumerables kontra Mark Valerio. Maghaharap sina Geli Bulaong at Jyan Hyun Ji ng Korea sa lone women match.
Tampok din sa bakbakan ang 3x3 team battle nina Sugar Ray Estroso, Brian Paule at Mark Palomar kontra Team China na sina Tian Hong Yan, Zhao Sigi at Shouzhe Yihang.





Comments