19 rebelde sumurender
SULTAN KUDARAT—Sumuko sa mga awtoridad ang 19 na miyembro ng New People’s Army (NPA), kamakalawa sa lalawigang ito.
Hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong NPA para na rin sa kanilang seguridad.
Ayon sa ulat, sumuko ang 19 na NPA sa 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) na nakabase sa lalawigan.
Sinabi ng mga rebelde na kaya umano sila nagbalik-loob sa pamahalaan ay dahil nais na nilang magbagong-buhay at makapiling ang kanilang mga pamilya.





Comments