top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

'Wag daw pangalanan dahil malulungkot pati mga fans… HIRIT NI JM: MGA ARTISTANG PASOK SA NARCO

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 1, 2019
2 min read

SA tingin n’yo, ‘di pa ako nakaka-move on?” ang balik-tanong ni JM de Guzman nang mahingan ng reaksiyon sa sinabi ng ex-girlfriend niyang si Jessy Mendiola na willing itong makatrabaho siya pero hindi sure kung ganu’n din siya.

Ayon kay JM nang makatsikahan namin sa presscon ng Last Fool Show na movie nila ni Arci Muñoz, okay lang din sa kanya na makatrabaho si Jessy.

“If may maganda kaming produk­tong magagawa ru’n, na puwede palang maging friends ang mag-ex, na puwede kaming magkatrabaho and create something really beautiful, di go! Kung maganda ‘yung intensiyon, bakit hindi?” sey ni JM.

Samantala, natanong din ang aktor tungkol sa mainit na namang pinag-uusapang drug issue ngayon among celebrities, na diumano ay 31 artista ang nasa drug watch list at kaugnay nito, naglabas ang PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) ng bagong regulasyon na isasailalim daw lahat ng TV stars sa mandatory drug test.

Suportado ni JM ang move na ito ng gobyerno at siya man ay willing maki­pag-cooperate sa drug test. Pero hindi siya agree na pangalanan ang 31 celebrities na nasa listahan.

“I think, alam naman po ng PDEA that they have to protect the names. Maraming mada-down. Marami rin silang nai-inspire na tao.

“Kung sino man ang mga ‘yun, I believe, masasabi ko lang on my part na you can still turn it around, they can still change,” pahayag ni JM.

Aminado naman siyang talagang napakahirap para sa gobyerno ang labanan ang droga.

“We’ve been fighting drugs hindi pa tayo buhay. Nandito pa rin ‘yan, kahit ano’ng gawin mo, kahit ano’ng giyera na, nandiyan pa rin siya. Umaabot na sa point na sobrang frustrating na, umaabot na sa hindi mo na alam kung paano mo siya pupuksain,” he said.

Nagsisilbi ring inspirasyon si JM sa ibang tao na nalulong sa droga and yet, kinakayang makabangon ulit, at ayon sa aktor, ginagawa lang niya ang alam niyang sa tingin niya ay dapat.

“I still have my ups and downs, nade-depressed pa rin ako, ‘yung anxiety ko, ‘and’yan. Pero I still go to my doctor, take my meds, exercise, talk to people, I stay with my family, stay close to them, relate to them, with my peers, ‘yung mga kasama ko sa rehab, I fight, I fight a good fight,” pahayag ng aktor.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page