top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sa harap ng asawa‘t mga anak | KONSEHAL NIRATRAT, UTAS

Jeff Tumbado
Apr 1, 2019
1 min read

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ng hindi pa mabatid na bilang na mga salarin ang kasalukuyang konsehal sa bayan ng Moises Padilla, sa Negros Occidental, kahapon.

Limang tama ng bala ng baril sa ulo at katawan ang agad tumapos sa buhay ng biktima na nakilalang si Jolomar Hilario habang ligtas naman ang kanyang asawa at mga anak sa pangyayari.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, pinasok ng ilang armadong lalaki na pawang may mga suot na bonnet at baseball cap ang bahay ng konsehal sa Barangay Inolingan habang ito ay naghahanda ng kanyang agahan bago siya pinagbabaril ganap na alas-6:00 ng umaga.

Nabatid na bago isinagawa ang pamamaslang ay naglagay ng ilang landmine o Improvised Explosive Device (IED) ang mga suspek sa daraanan patungo sa bahay ng opisyal upang mapigilan ang pagresponde ng mga awtoridad sa lugar ng krimen.

Nagpakilalang mga miyembro umano ng NPA ang nanguna sa ginawang paglikida kay Hilario base sa nakuhang impormasyon mula sa mismong asawa ng biktima at ng ilang katabing residente.

Patuloy ang follow-up operation ng pulisya laban sa mga suspek at inaalam pa kung ano ang motibo sa pagpaslang sa opisyal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page