Rider sumemplang, todas
- Janice Baricuatro
- Apr 1, 2019
- 1 min read

PATAY ang isang rider habang nasa kritikal pang kondisyon ang angkas nito matapos sumemplang ang sinasakyang motorsiklo sa Imus City, Cavite, kahapon.
Ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang aksidente sa Bayan Luma Rd., Bgy. Bayan Luma 9, Imus City, Cavite.
Nawalan umano ng kontrol ang driver na si George de Sagun, 29, kaya sumemplang at dumausdos ang motor dahilan upang tumilapon sila ng angkas na si Adrian Fernando, 44.
Napasama ang bagsak ng dalawa na naging dahilan ng agarang pagkasawi ni De Sagun habang inoobserbahan pa si Fernando sa pagamutan.





Comments