Revenue collector ng City Hall, 1 pa kulong sa shabu
- Mylene Alfonso
- Apr 1, 2019
- 1 min read

NAKUMPISKAHAN ng dalawang sachets ng shabu ng mga tauhan ng Manila Police District- Station 4, ang revenue collector ng Manila City Hall at kasama nitong construction worker sa isinagawang anti-criminality operation, kahapon ng madaling-araw sa Mindanao Extension, malapit sa riles ng PNR Station sa Sampaloc, Manila.
Batay sa ulat ng Gulod Police Community Precinct, alas-12:30 ng hatinggabi nang maaresto sina Chito Reyes, 52, revenue collector, at Mark Manlapaz, 34, construction worker, kapwa ng Sampaloc, Manila.
Isa umanong concerned citizen ang nagbigay ng tip sa pulisya sa ginagawang pagbatak ng shabu ng mga suspek. Nasa kustodiya na ng Manila Police District-Station 4, ang dalawang suspek.





Comments