PAGTUPAD SA TUNGKULIN NG SPORTS COMMISH SA SEAG, INAASAHAN
- Clyde Mariano
- Apr 1, 2019
- 1 min read

UPANG mas maging epektibo at maayos na mapaglingkuran at mabigyan ng sapat na panahon at atensiyon ang mga national athletes na naghahanda sa darating na Southeast Asian Games, binigyan ni Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez ng kani-kanyang tungkulin at responsibilidad sina Commissioners Celia Kiram, Ramon Fernandez, Arnold Agustin at Charles Maxey.
“As collegial body in sports, we have to work as a team and share the same responsibility taking care and providing all the needs of the athletes in their preparation for the SEA Games within their jurisdiction. It is more prudent and effective to do this kind of arrangement,” sabi ni Ramirez.
Nasa pangangasiwa ni Kiram ang lawn tennis, badminton, squash, soft tennis, ice hockey, skating, dance sports, gymnastics, canoe-kayak, triathlon at women in sports.
Kay Fernandez ang elite sports at sports activities sa Visayas at kay Maxey ang sports activities sa Mindanao kasama ang Arafura Games na ginagawa sa Darwin sa Australia kung saan laging inaanyayahan ang mga atletang Pinoy at kay Agustin ang bocce, athletics, swimming, table tennis at goal ball bukod sa differently-abled sports. Bilang engineer at pioneer sa PSC, nasa pangangasiwa at pangangalaga din ni Agustin ang mga pasilidad sa makasaysayang Rizal Memorial Sports Complex na itinayo noong pre-war 1934.
“I delegated Com. Agustin as caretaker of the sports facilities simply because he is an “old hand” and a pioneer in the PSC. He knows the job being his expertise,” paliwanag ni Ramirez. Binigyan ang apat na Commissioners ng responsibilidad upang malaman ang mga suliraning kinakaharap ng iba’t-ibang National Sports Associations. Ang lawn tennis ay nasa bagong pamunuan ni Atty. Tony Cabletas na pinalitan si Edwin Olivarez.





Comments