Na-hurt sa lalaki, todo-paganda… ARCI, AMINADONG PUMANGIT SA SOBRANG RETOKE
- BULGAR

- Apr 1, 2019
- 1 min read

NAKAKAALIW ang pagiging prangka at totoong tao ni Arci Muñoz. Siya ‘yung tipo ng babaeng ang ganda-ganda at ang sosyal ng dating pero ‘pag nagsalita na, masang-masa at may pagka-jologs, pero ang cute at bagay sa kanya.
Napanood namin ang recent interview kina Arci at JM De Guzman sa presscon ng latest movie nila sa YouTube channel na Stars Photog ng vlogger na si Allan Sancon.
Sa isang portion ng interview kung saan nagkukuwento si Arci na kesa ma-depressed kapag nasaktan sa ex-BF o GF, dapat daw ay ‘make yourself better’, biglang nasabi ng aktres na “Kaya nga ata ako pumangit, nasobrahan ako sa pagpapaganda.”
Kaya naman, biglang natawa ang lahat dahil sa pagiging totoo niya.
Dugtong pa ni Arci, todo-paganda raw siya nu’ng time na hurt na hurt siya sa kanyang ex-boyfriend, pero nasobrahan nga ang retoke sa kanya, kaya kung matatandaan, na-bash siya ng mga netizens noon dahil naging kahawig siya ni Michael Jackson.
So, sabi ni Arci, moral lesson na raw ito sa kanya.
Oh, at least, mamahalin mo ang pagiging baklang-bakla (sobrang totoo, pramis!) ni Arci Muñoz, devah?





Comments