May kasamang lalaki at bata na hindi kilala
- BULGAR

- Apr 1, 2019
- 1 min read
Salaminin natin ang panaginip ni Nicole ng Jacob_ Nicole_Leones@facebook. com
Dear Professor,
Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko na may kasama raw akong ibang lalaki, pero hindi ko kilala, tapos, bata, namamasyal kami at minsan ay parang naghahalikan.
Tatlong beses na akong nakapanaginip na may kasama akong ibang lalaki.
Naghihintay,
Nicole
Sa iyo Nicole,
Malinaw na malinaw sa panaginip mo na sa future ay may makarerelasyon ka na ang gusto mo ay palagi mong kasama, gayundin siya sa iyo.
Palatandaan ito na sa kasalukuyan ay hindi maganda ang love life mo o wala kang buhay-pag-ibig.
Nagbababala rin ang panaginip mo na mai-in love ka sa bata, pero babala lang naman ito.
Ito rin ay masuwerteng balita kung nagkataong gusto mong maranasan na bata ang iyong makarelasyon, kumbaga, puwedeng magkatotoo sa buhay mo ang kasabihang “age does not matter in love”.
Oo, parang tama ang ganitong kasabihan na sa pagmamahalan, walang matanda o bata dahil may isa pang sikat na kasabihan para sa mga in love, ito ay “all is fair in war and in love.”
Pero, dapat mong maunawaan na tama lang ‘yan sa pagmamahalan, ngunit, madalas mali ‘yan sa larangan ng pag-aasawa .
Kumbaga, iba ang marriage sa simpleng pagmamahalan lang. Medyo mahirap makuha o maunawaan, subalit, ito ay dapat mo pa ring malaman.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo




Comments