HOROSCOPE | ABRIL 1, 2019 (Lunes)
- BULGAR

- Apr 1, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG ABRIL 1, 2019 (Lunes): Kahit totoong masuwerte ka, iba pa rin kapag nagdagdag ka ng sikap dahil ang tunay na nagpapaunlad sa kabuhayan ay ang pagsisikap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli, mahalaga na may saya ang buhay mo, lalo na ngayong maganda ang takbo ng mga suwerte mo. Ang saya ay nagsisilbing lakas para magpatuloy ka rito sa mundo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-17-20-28-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sobrang init ngayon. Kailangan mo ang init ng Haring Araw, pero sa umaga ka lang dapat mainitan. Mahirap paniwalaan, pero ito ang sikreto para lumakas ang dating ng iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-17-26-39-40-45.
GEMINI (May 21- June 20) - Pahinga ang kailangan mo, kaya huwag mong kaligtaang magpahinga kahit saglit. Hindi dapat inaabuso ang kasiglahan. Ito ang ilagay mo sa iyong isipan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-16-20-24-27-30.
CANCER (June 21- July 22) - Ibigay mo ang lahat ng iyong makakaya. Kumilos ka na parang wala kang kinatatakutan at walang makaaawat sa iyo. Ito ang lihim na susi ng tagumpay na isinabuhay ng mga yumaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-18-24-28-35-46.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang gawin mo. Tulad ng dati, hanggang kontra lang naman ang hindi pabor sa iyo. Kahit hindi ka mabigo, nakakontra pa rin sila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-8-11-13-28-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Patuloy ang ikot ng mundo at ito ay hindi naaawat ng mga taong negatibo. Kaya mas magandang maging positibo ka nang sa gayun ay makinabang ka sa pag-ikot ng mundo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-14-17-26-39-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa sa iyo na. May babala na pagtatangkaan itong agawin sa iyo, kaya kung magpapabaya ka, maaagaw talaga ito. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-27-30-31-38-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Walang tatalo sa iyo, pero madalas na malungkot ang buhay ng kinasisindakan mo. Kaya ang payo sa iyo ay paminsan-minsan magparaya ka, kumbaga, kunwari talunan ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-15-18-20-24-25.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang malungkot kung hindi mo nakuha ang lahat ng iyong gusto. Muling babalik ang pagkakataon para sa iyo at puwedeng mapasaiyo ang lahat ng anumang gugustuhin mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-17-22-26-27-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makibahagi ka sa maramihang pagsasaya. Sa mga taong masasaya, lihim mong makukuha ang mga suwerte na hindi sinasadyang maililipat sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-15-16-21-25-30.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Marami ang magpaparamdam at magpapakita ng pagtingin sa iyo. Sukatin mo ang kanilang kakayahan nang malaman mo kung kaya ka nilang bigyan ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-13-18-24-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magpapatuloy ang pagdating ng mga suwerte mo. Pero, sa totoo lang, nagpahinga lang ang mga ito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-23-28-30-34-36.




Comments