top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

16-anyos ni-rape ng BF

Mylene Alfonso
Apr 1, 2019
1 min read

TIMBOG ang 17-anyos na binatilyo nang gahasain ang kanyang 16-anyos na girlfriend, kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Manila.

Ito ay makaraang magsumbong ang 16-anyos na biktima sa kanyang mga magulang dahil sa ginawang pananamantala ng nobyong si alyas Bill.

Ayon kay P/Lt.Col. Robert Domingo, ala-1:00 ng madaling-araw nang gahasain ng nobyo ang dalagita sa bahay ng kaibigan nito sa Gulod St., Sampaloc.

Ayon sa dalagita, mariin umano ang kanyang pagtanggi pero, nagpumilit pa rin ang binatilyo.

Pag-uwi sa bahay ng dalagita, napilitan umano itong magsumbong sa ina, nang makitang tulala ang biktima.

Dahil dito, agad na nagreklamo ang mga magulang ng biktima sa Gulod Police Community Precinct kaya inaresto ang binatilyo.

Binitbit naman sa tanggapan ng Children and Women Protection Unit si ‘Billy’ at iti-turnover kalaunan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page