top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Problemado sa pamilya, bebot nagbigti

Mylene Alfonso
Mar 31, 2019
1 min read

PATAY na nang datnan ng kanyang mga kaanak ang 24-anyos na babae matapos magbigti sa loob ng inuupa­hang kuwarto, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Manila.

Kinilala ni PS/Sgt. Den­nis Suba ang biktimang si Jonafe Masucol, 24, ng Sta. Cruz, Manila.

Alas-6:15 ng gabi nang matagpuang nakabigti ang bik­tima malapit sa banyo ng inuupahang kuwarto na nasa ikalawang palapag ng bahay.

Huling nakitang buhay ang biktima, alas- 3:00 ng hapon.

Ayon kay Well Rose Mon­temayor, ipinagtapat umano sa kanya ng biktima na may problema ito sa kanyang pamilya.

Sinabi naman ni An­thony Reverza na nagkaroon sila ng hindi pagkakauna­waan ng biktima matapos nitong masu­nog ang pinag­bentahan ng kanilang mga produkto nang magpunta ito sa Ilocos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page