top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

MWSS, pinakikilos | MULTA VS. MANILA WATER SA KRISIS SA TUBIG

Gina Plenago
Mar 31, 2019
1 min read

MAYORYA sa Board of Trustees ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang nag­sulong ng Resolution No. 2019-052 na nag-aatas sa MWSS Regulatory Office (RO) na pag-aralan ang ipa­pataw na multa sa Manila Water at ang pagsususpinde sa pagtaas ng water rates kasunod ng water shortage.

Ito ang naging pagpa­pahayag nina MWSS Chair­man Franklin Demontever­de at Administrator Rey­naldo Velasco bilang mga MWSS Board na umakto sa rekomendasyon ng Conces­sion Monitoring Committee na atasan ang RO para suriin ang karampatang-parusa na ipapataw sa Manila Water ka­ugnay sa kanilang naging ka­biguan na maisagawa ang Article 10.4 ng concession agreement.

Inatasan din ang RO na magsumite ng kanilang re­komendasyon batay sa ma­katotohanan at legal basis sa kanilang panukala.

Matatandaang, nitong nakalipas na linggo ay na­ihayag ni Velasco ang kan­yang pansariling pananaw, na ang Manila Water ay ka­ilangang magsagawa ng re­lief and public contrition sa pa­mamagitan ng self-imposed penalty para masulitan ang mga tao na dumanas ng pa­hirap mula sa epekto ng ka­walan ng tubig.

Umapela naman nitong nakaraang Miyerkules sina MWCI Chairman Fernando Zobel de Ayala at Vice Chair­man Jaime Augusto Zobel de Ayala sa mga cus­tomer ng private conces­sionaire para sa pasensiya at pagpa­pa­uman­hin sa dinanas na water ser­vice interrup­tion.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page