METRO LEAGUE REINFORCED 2ND CONFERENCE START NA SA ABRIL
- MC/Alvin Olivar
- Mar 31, 2019
- 1 min read

KASUNOD ng matagumpay na pagbubukas ng All-Filipino First Conference, isusunod ng Metro League ang Reinforced Conference sa Abril sa misyon na tumuklas pa ng mga bagong talents at mai-promote ang sports sa National Capital Region at sa Mega Manila.
Dating Metro Basketball Tournament, ang M-League ay pumapayag na magkaroon ng isang import ang bawat team sa conference upang makadagdag sa excitement sa torneo ng MMDA, PBA at SMB bilang league presentor.
Walong mga siyudad ang lalahok sa M-League sa pangunguna ng nagbabalik na kampeon na Valenzuela at North Division teams ng Manila, Marikina, Quezon City at Caloocan. Kasama rin ang mga pioneers ng South Teams na Pateros, Taguig at San Juan maging ang nagbabalik na Mandaluyong at Pasig at ang baguhang Bacoor City. Ang Mandaluyong, Pasig at Bacoor ay agad susubukan ang simula ng kanilang kampanya para sa triple-header na M-League opening day extravaganza sa Abril 7 sa San Juan Gym. Babanat ang San Juan sa kapitbahay na Mandaluyong sa main game ng 4 p.m. matapos ang 2:30 pm na laban ng Manila at Pasig.





Comments