top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Bully na pedicab driver todas sa kapwa driver

  • Maeng Santos
  • Mar 31, 2019
  • 1 min read

DEDO ang 41-anyos na pedicab driver matapos pag­sasaksakin ng kapwa pedicab driver sa Malabon City, kaha­pon ng madaling-araw.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong saksak sa tiyan si Roderick Depaz alyas Michael, ng Bgy. Concep­cion habang pinaghahanap ang suspek na si Benjie Claro, nasa hustong gulang.

Ayon kina PS/Sgt. Julius Mabasa at PS/Sgt. Richard Andrew Calaycay, naganap ang insidente alas-4:15 ng ma­daling-araw, nang pasukin ng suspek ang bahay ng bik­tima na armado ng patalim.

Sa pahayag ng anak ng biktima na si Marco, narinig niya ang kaguluhan kaya agad siyang bumaba at na­kita ang pananaksak ng suspek sa kanyang ama.

Nang tangkain nitong tulungan ang ama, tumakas ang suspek dala ang patalim.

Napag-alaman na palagi umanong binu-bully ng bik­tima ang suspek sa tuwing nalalasing habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insi­dente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page