Brexit, ibinasura ng mambabatas sa UK
IBINASURA ng mga mambabatas sa United Kingdom ang Brexit deal ni Prime Minister Theresa May.
Dahil dito, lalong nalagay sa alanganin ang pagkalas ng Britanya sa European Union (EU) sa mismong araw na nakatakda itong umalis.
Gayunman, hindi pa rin malinaw kung matutuloy ang pag-alis ng UK sa EU.
Matapos ang special sitting ng parliament, bumoto ang mga mambabatas ng 344-286 laban sa gusto ni May na kumalas ang bansa sa EU.
Ito ay matapos sabihin ni May na ang boto pabor sa Brexit ay ang huling pagkakataon para matiyak ang tagumpay ng kasunduan.
Matatandaang, sa referendum noong June 23, 2016, 17.4 million o 52 porsiyento ang bumoto na pabor sa pagkalas ng Great Britain sa EU habang 16.1 million o 48 porsiyento ang nais manatili sa EU.





Comments