Bagong rekord ng ocean heat, ikinabahala ng UN
IKINABAHALA ng United Natons ang ulat sa labis na pag-init sa malaking bahagi ng karagatan sa buong mundo.
Ito ay matapos lumabas sa pag-aaral ng World Meteorological Organization (WMO) na lumala ang ocean hear sa nakalipas na apat na taon.
Ayon sa WMO, umabot ang init sa 700 meters ng karagatan mula sa seabed nito noong 2018.
Gayundin, huling naitala sa parehong lebel ng dagat noong 1955.
Sa panayam ng Bombo Radyo, ipinaliwanag ni Dan Ramirez, head ng Communication and Media Unit ng Wildlife Fund for Nature Philippines ang kaugnayan nito sa climate change.
Ayon sa pag-aaral, greenhouse gases mula sa sinusunog na fossil fuel ang dahilan ng ocean heat kung saan pinakaapektado nito ang pangingitlog ng mga isda sa dagat at corals na tinitirhan ng mga ito.





Comments