top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Trak sumalpok sa isa pang trak, 3 nadale

  • Janice Baricuatro
  • Mar 30, 2019
  • 1 min read

ISA ang patay habang 2 ang sugatan kabilang ang bystander na nasagi ng dropside truck bago sumalpok sa nakaparadang tractor truck sa kahabaan ng Molino-Paliparan Rd., Bgy. Paliparan 3, Dasmariñas City.

Kinilala ni Police Supt. Nerwin Ricohermoso ang nasawing biktima na si Villamor Tumamao, Jr., 33, personal assistant, ng Bgy. Paliparan 2, ng nasabing lungsod.

Gayunman, kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang dalawa pang biktima na sina Jesus Junio, 34, trike driver, ng Bgy. Fatima 1, pedestrian, at Imelda Sarte, 54, Bgy. Paliparan 2, pasahero ng Foton dropside truck.

Bahagyang nasugatan ang driver ng Foton dropside na si Simplicio Sarte, 54, ng Bgy. Paliparan 2 ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Jesus Bae, may hawak ng kaso, binabagtas ng Foton Tornado dropside truck na may plate number ACP 2332 ang naturang lugar nang masagi nito ang biktimang pedestrian na si Junio na tumilapon sa kalsada.

Matapos masagi ang biktima, hindi napahinto ng suspek ang truck dahilan para tuluy-tuloy itong sumalpok sa nakaparadang Isuzu Giga truck na may plate number CAO 1179 kung saan tumilapon palabas ng Foton dropside ang nasawing biktima.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng dropside truck habang pinag-aaralan pa ang kasong isasampa laban dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page