top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Pahiwatig na normal lang ang umiyak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 30, 2019
  • 2 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Robert ng Robert_Aboyme@face­book.com

Dear Professor,

Nais kong itanong ang tungkol sa panaginip ko da­hil ngayong Marso, dala­wang beses ko ng napa­na­ginipan ang lola ko na ma­tagal ng yumao. Nu’ng unang panaginip, yakap-yakap at hinahalikan ko siya habang humahagulgol ako, kahit alam kong ma­tagal na siyang patay.

Sa pangalawang pana­ginip, ganundin, yakap ko siya habang umiiyak ako. Nagpamisa na ako para sa kanya nu’ng unang pana­ginip ko.

Ano ang ibig sabihin nito? Maraming salamat!

Naghihintay,

Robert

Sa iyo Robert,

Naku, ayon sa panagi­nip mo, nagtatapang-tapangan ka, kumbaga, nagkukunwari kang matatag at matibay, pero ang totoo, aminin mo man o hindi, mahina ka.

Dahil ang managinip nang umiiyak ay nagsasa­bing kailangan mo nang umi­yak sa tunay na buhay.

Kaya mali para sa tao na hindi niya ipinakikita ang kanyang damdamin. Ayon sa mga sikolohista, ang pag­pigil sa sarili ay puwedeng maging sanhi sa pagkaka­roon ng sakit.

Narinig mo ba, iho, ang sabi ng mga doktor na hu­wag mong pipigilin ang iyong pag-ihi? Siguro, alam mo na kung bakit.

Narinig mo na rin ba na ang hindi pinagpapawisan o ang ayaw mag-ehersisyo ay masama sa tao?

Ang ihi, pawis at luha, na­pansin mo ba na tubig ang mga ito? Kaya hindi ma­gan­da sa tao ang hinahad­la­ngan ang paglabas ng tu­big sa kanyang katawan.

Ayon sa pinakasikat at madalas na binabanggit ng mga tao na may kani-kan­yang takdang panahon ang lahat ng bagay.

Ang orihinal na nagsabi nito ay si Haring Solomon na ayon mismo kay God, si Haring Solomon ang pina­ka­marunong sa lahat ng tao. Maaaring mali si God kasi ngayon ay sobrang dami na ng matatalino at hindi rin pahuhuli ang bilang ng mga nagtatalitalinuhan.

Hindi na natin gaanong pag-uukulan pa ng pansin kung sino ang pinakamata­lino dahil ang mahalaga ay ang mga sinabi ni Haring Solo­mon. Tingnan mo, si­nabi rin niya na may takdang pana­hon ang pagtatanim at pag-aani.

Tama ba si Haring Solo­mon? Sabi pa niya, may pa­nahon ng pagsasaya at lung­kot, gayundin, may panahon ng pagtawa at pagluha. Tama kaya siya? Ikaw na ang magsabi, pero ayon sa kanya, dumating na ang pa­nahon na kailangan mo nang lumuha, kaya huwag mong pigilan ang pag-iyak at kung nahi­hiya ka sa mga tao, pu­wede kang umiyak sa loob ng ku­warto.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page