Nasa edad 20 — PDEA | ‘LOVE TEAM’ SA SHOWBIZ PASOK SA DRUG LIST

SABIT umano sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang love team sa showbiz na ang edad ay nasa 20.
Gayunman, tumanggi muna si PDEA Chief Director General Aaron Aquino na pangalanan ang naturang love team na maituturing umanong pawang mga sikat.
“They’re at their 20s. Palagay ko lang nasa ganoon,” ani Aquino.
Kabilang ang nasabing love team sa 31 celebrities na nasa listahan ng PDEA na karamihan ay mga kabataang aktor at aktres na nasasangkot sa illegal drug trade.
Sa 31, 20 umano ang mga lalaki habang 11 ang mga babae. Sinabi ni Aquino na wala siyang balak na isapubliko ang listahan nito ngunit, kung iuutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ay handa siyang ibunyag ang mga pangalan matapos ang kaukulang berepikasyon.
“Basta unang-una utos ng presidente, kung inutusan ako ng presidente, i-re-release ko. I think, puwede siguro nating i-release once validated and confirmed,” dagdag pa ng opisyal.
Nauna na ring hinimok ni Aquino ang mga kumpanya ng telebisyon na magsagawa ng sorpresa at mandatory drug testing sa kanilang mga artista at iba pang celebrities.





Comments