top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Nahuling may ka-text | BUNTIS NA MISIS PINAGSASAKSAK NI MISTER

Maeng Santos
Mar 30, 2019
1 min read

KRITIKAL ang buntis na misis matapos pagsasaksakin ng kanyang mister makaraan ang pagtatalo sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Ginagamot sa Tondo Medical Center si Jennifer Desuyo, 26, tatlong buwang buntis na nagtamo ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan habang kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang kanyang mister na si alyas Reymart, 27, matapos ang insidente.

Ayon kay PSMsgt. Joselito Bagting, alas-9:15 ng umaga, kinompronta ni alyas Reymart ang misis nang mahuli nito na nag-send ng message sa hinihinalang kalaguyo ng biktima na naging dahilan ng kanilang pagtatalo.

Nang makahawak ng patalim ang suspek, inundayan nito ng saksak sa katawan ang biktima dahilan upang dalhin ito sa naturang pagamutan.

Ani PSMsgt. Bagting, kamakailan lamang ay iniwan ng biktima ang kanyang mister at tatlong anak para sa ibang lalaki subalit, nagpasya itong bumalik sa kanyang pamilya nang malaman na handa na siyang patawarin ni Reymart para sa kanilang mga anak.

Dagdag pa ni PSMsgt. Bagting, nagdududa rin ang suspek na hindi siya ang ama ng dinadala ng kanyang misis.

Kasong frustrated parricide ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page