Mister nakonsensiya, umamin | MISIS PINATAY SA SAKAL, INILIBING SA SILONG
- BULGAR

- Mar 30, 2019
- 1 min read

MATAPOS ang halos isang linggong paghahanap, natagpuan na ang ginang na iniulat na nawawala sa Pagadian, Zamboanga del Sur.
Batay sa ulat, una nang nagpa-blotter sa pulisya ang mister ng biktima kaugnay sa pagkawala ng kanyang asawa. Gayunman, ito rin ang nagturo kung nasaan ang biktima na isa nang naaagnas na bangkay.
Marso 22 nang huling makita ng mga kapitbahay ang biktimang si Teresita Chavez.
Bukod sa pagpapa-blotter, nag-post pa sa Facebook ng panawagan.
Pagkaraan ng halos isang linggo, mismong ang mister na si Nonoy ang nagsabi kung saan makikita ang kanyang asawa.
Ayon sa mister, nag-away silang mag-asawa hanggang sa masuntok niya ang biktima at nawalan ng malay.
Sinakal umano niya ito hanggang sa mamatay saka inilibing sa silong ng bahay.
Kinumpirma naman ng kanilang kapitbahay na narinig nila na nag-away ang mag-asawa bago nawala ang ginang.
Hinihinalang nakonsensiya ang mister kaya inamin ang krimen. (BRT)





Comments